WALANG BAHID NG POLITIKA ANG KASONG ISINAMPA NG PNP LABAN KAY VP SARA
Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, bahagi ito ng kanilang constitutional mandate upang masiguro ang pagsunod sa batas. Tiniyak din niya na mananatiling patas at walang kinikilingan ang PNP sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.
Dagdag pa ni Marbil, kung hindi nila kakasuhan si VP Sara at ang kanyang mga staff, maaaring isipin ng publiko na para lamang sa mahihirap ang ipinapatupad na batas.
Ayon sa PNP Chief, may karapatan silang ipagtanggol ang kanilang panig bilang pagsunod sa konstitusyon upang mapanatili ang “Rule of Law” sa bansa.
Dagdag pa ni Marbil, responsibilidad ng PNP na protektahan ang lahat ng mamamayan at ipatupad ang hustisya nang pantay, mayaman man o mahirap.
Tiniyak din niya sa publiko na magiging patas ang lahat ng hakbang at prosesong isasagawa.
souce: tnt