Ipinaliwanag ni Brig. Gen. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na wala pa silang matibay na impormasyon kaugnay ng sinasabing banta sa buhay ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam ng Radyo 630 kay Brig. Gen. Jean Fajardo noong Lunes, Disyembre 2, 2024, sinabi niyang wala pa silang konkretong ebidensiya na magpapatunay sa umano’y banta sa buhay ng Pangalawang Pangulo.
“Sa ngayon po, ang PNP, walang information as to the credible threat against the Vice President,” ani Fajardo.
Bagama’t wala pa silang konkretong ebidensiya kaugnay ng sinasabing banta sa seguridad at buhay ng Pangalawang Pangulo, tiniyak ni Brig. Gen. Jean Fajardo na handa ang kanilang ahensya sa anumang posibleng panganib na maaaring harapin ni VP Sara.
“But just the same. Since siya po ay ating Bise Presidente, tinatanggap po natin na ang threat ay inherent sa kanyang position, and we are ready to provide security to her and any other government officials if requested,” anang PNP spokesperson.