THE PRESIDENCY OF 2022 WAS MINE ALREADY
Ito ang reaksyon ni VP Sara Duterte sa sinabi ni Zambales Rep. Jay Khonghun na nagsimula ang kaguluhan sa gobyerno nang mangarap umano ang bise presidente na maging presidente nang maaga.
“Unang-una, the presidency of 2022 was mine already. Nanalo na ako sa surveys, lahat ng tao solid na, united na for my candidacy pero I gave it away because I felt I had to do some other things other than being president of the Republic of the Philippines,” lahad ni Duterte sa isang ambush interview.
“Nagsimula lang naman ang kaguluhan na ito noong mangarap ang ating bise presidente na maging presidente nang maaga. Nu’ng mangarap ang former president na paupuin ‘yung kanyang anak na maging presidente kaagad. Du’n naman nagsimula ang lahat ng ito,” wika ni Khonghun sa isang press conference.
“Kung wala lang sanang maagang nangarap, wala lang sanang maagang nag-ambisyon na maging presidente, tahimik naman ang lahat,” dagdag niya
Ayon kay Sara, ang umano’y “pangha-harass” sa mga tauhan ng Office of the Vice President ang siyang dahilan ng kaguluhan.
“Huwag nila akong i-gaslight into saying na ako ang dahilan ng kaguluhan na ito. Ang kaguluhan na ito ay nagsimula sa terrorism nila, sa harassment nila, sa threats nila sa mga personnel ng Office of the Vice President,” dagdag pa niya.