Inihayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na sina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte ay umano’y gumamit ng mga “ghost employee” upang pagtakpan ang paggamit ng bilyong piso mula sa confidential funds noong kanilang panunungkulan bilang mayor ng Davao City.
Sa panayam sa programang “On Point” ni Pinky Webb sa Bilyonaryo News Channel, inihayag ni Trillanes na ang umano’y “pagwaldas” ni Vice President Sara ng bilyong pisong confidential funds ay hindi lamang nangyari sa panahon ng kanyang pagiging bise presidente.
Ayon kay Trillanes, bilyon-bilyong piso rin umano ang nagastos ni VP Sara para sa confidential funds at peace and order funds noong siya ay alkalde ng Davao City.
“Kini-clear nila ‘yan using ghost employees at na-flag na ‘yan ng COA every year… Pero because naging Presidente si Duterte, naging untouchable sila,” sabi ni trillanes.
“I already filed cases against Duterte, the father, using those same methods… When Duterte was mayor, when Sara Duterte was mayor, pareho sila ng modus,” dagdag niya.
Narito ang video: