Home News Trillanes: Maaaring mabuksan ang bank accounts ng mga Duterte sa impeachment laban...

Trillanes: Maaaring mabuksan ang bank accounts ng mga Duterte sa impeachment laban kay VP Sara

0
Trillanes: Maaaring mabuksan ang bank accounts ng mga Duterte sa impeachment laban kay VP Sara

Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV, maaaring mabuksan ang bank accounts ng mga Duterte at maging exempted sa Bank Secrecy Law kung uusad ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang “On Point” ni Pinky Webb sa Bilyonaryo News Channel, ipinaliwanag ni Trillanes na ang impeachment ay exempted sa Bank Secrecy Law, tulad ng naging kaso ni dating Chief Justice Renato Corona.

“Dalawa ang puwedeng magbigay, the bank itself and AMLAC (Anti-Money Laundering Council). Exemption ‘yan [impeachment] sa Bank Secrecy Law,” saad ni Trillanes.

“The problem with Mr. Duterte is ginawa niyang joint account with Sara… Joint account kasi siya, so damay talaga. Kaya I’m so confident na lalabas ito,” dagdag niya.

Panoorin ang video sa ibaba: