Saturday, December 21, 2024
HomeNewsSen. Bong Revilla walang planong palitan si VP Sara kung sakali na...

Sen. Bong Revilla walang planong palitan si VP Sara kung sakali na ma impeach

Itinanggi ni Sen. Bong Revilla ang mga haka-haka na siya ang papalit sakaling ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

“No! No! No! Ang gumagawa lang niyan ay ‘yung mga kalaban sa politika, para i-bash ako. It’s not true!

“It’s not true talaga. At ayoko ng ganun!” sabi lang ni Bong.

Sa ngayon, mas nakatutok si Sen. Bong Revilla sa sitcom niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (Season 3), na magsisimula sa December 22 at tatakbo hanggang Pebrero 2025.

Samantala, ibinahagi na rin ni Sen. Bong ang ilan sa mga proyektong balak niyang isulong sa 2025!

Mukhang may plano si Sen. Bong Revilla na buhayin muli ang mga iconic niyang karakter gaya nina Panday, Alyas Pogi, at Captain Barbell!

Gayunpaman, tikom pa ang kanyang bibig sa mga detalye at tanging sabi niya, “Abangan na lang!”

“Surpresa `yon! Tatlong super hero at matindi talaga!” saad lang niya.

Pero sa bago ikatlong season nga ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ ay kitang-kita ang pagiging action superstar niya, ha! Aba, ginawa na naman niya ang matitinding stunts, bakbakan, barilan, at kung ano-ano pa, ha!

“At after the surgery pa `yon, ha! Ginawa ko `yon. I want to prove something na kahit ganito, kaya ko pa!

“Nag-training ako, nag-workout, pinaghandaan ko talaga. Although dati ko na namang ginagawa ang mga stunts ko, pero siyempre ipa-polish pa rin.

“Hindi naman ako nanibago, dahil parang nasa dugo ko na!” sabi ni Bong.

“Ako kasi, ayaw kong ma-shortchange ang mga tagahanga natin, na gusto natin kapag pinanood nila tayo, sulit ang oras nila. Kung sa sine, dapat sulit ang ibabayad nila.

“And in fact, kapag napanood mo itong sitcom, para kang nanonood ng pelikula. ‘Yun talaga ang purpose natin. Pelikula talaga ang dating.

“Basta ang masasabi ko lang, mas may kirot sa puso ang kuwento nito. Mas marami ang makaka-relate,” sabi pa ni Bong.

Samantala, malamang sa Japan magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon si Sen. Bong Revilla kasama ang buong pamilya — ang kanyang asawa, mga anak, at mga kapatid.

 

 

Most Popular

Recent Comments