Saturday, December 21, 2024
HomeNewsPBBM: Ang kaligtasan ng mga Pilipino ang pangunahing prayoridad

PBBM: Ang kaligtasan ng mga Pilipino ang pangunahing prayoridad

Ang kaligtasan ng mga Pilipino ang pangunahing layunin ng administrasyong Marcos.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa idinaos na 33rd Anti-Terrorism Council (ATC) meeting at selebrasyon sa MalacaƱang noong Miyerkules.

Ayon sa Pangulo, matagumpay na napigilan ng Anti-Terrorism Council ngayong taon ang mga banta sa bansa at napanatili ang seguridad ng bayan.

ā€œBy disrupting terrorist organizations and limiting their resources, we have set an unequivocal message: The safety of pur people is out topmost priority,ā€ saad ng Pangulo.

Kasabay nito, ipinahayag ng Pangulo na hindi lamang ang pambansang gobyerno ang nararapat kumilos, kundi pati na rin ang mga lokal na lider, upang pigilan ang marahas na extremism, labanan ang radikalisasyon, at magtayo ng tiwala sa mga komunidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kabataan.

ā€œThese efforts plant the seeds of hope and resilience , ensuring that every Filipino can enjoy the benefit from the fruits of peace,ā€ Sabi ni PBBM.

ANO MASASABI MO SA POST NA ITO? COMMENT BELOW:

Most Popular

Recent Comments