Naniniwala si House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson at reelected Manila Rep. Joel Chua na ebidensya at hindi koneksyon kay VP Sara Duterte, ang pagbabatayan ng mga senator-judge sa impeachment trial.
Sa isang panayam, natanong si Rep. Joel Chua kung makakaapekto sa impeachment trial ang resulta ng senatorial elections, kung saan lima sa mga nanalong senador ay inendorso ni VP Sara Duterte.
“Yung kaso nanduon yun eh, ebidensya nanduon. So sa tingin ko when it comes to evidence, eh nandudon naman intact pa rin yan. But at the end of the day, yung mga senator judges, sila naman ang mag-appreciate ng ebidensya na ilalatag namin. So let’s see, tingnan natin kung ano ang kanilang magiging reaction,” sabi ni Chua, isa sa mga prosecutor sa Duterte impeachment trial.
“At the end of the day ang pagbabasehang pa rin dyan ay yung pieces of evidence na ipi-present namin at kung very obvious, so I don’t think medyo mahirap din naman na hindi i-grant or hindi pumabor sa impeachment kung very obvious na at very blatant na yung ebidensya,” dagdag pa niya.
Ayon kay Rep. Joel Chua, na naiproklamang nanalo sa Maynila, hindi pa nagpupulong ang impeachment prosecution team. Dalawa sa mga miyembro nito—sina Rep. Jil Bongalon at Rep. Loreto Acharon—ay hindi nanalo sa eleksyon. Wala pang napag-uusapan tungkol sa kanilang kapalit, ngunit lumulutang ang mga pangalan nina Rep. Miro Quimbo, Rep. Chel Diokno, at Rep. Leila de Lima bilang posibleng bagong
“Sa totoo lang hindi pa naman kami nakikita-kita but of course they are very much welcome to join the team considering their background and their legal expertise,” ayon kay Chua