Saturday, December 21, 2024
HomeNewsIsang beauty brand ang nagpasya na tanggalin si Maris Racal bilang kanilang...

Isang beauty brand ang nagpasya na tanggalin si Maris Racal bilang kanilang endorser.

Inanunsyo ng sikat na Gen Z brand na Dazzle Me PH sa kanilang Instagram post nitong Huwebes na tinapos na nila ang partnership sa kanilang unang celebrity ambassador at endorser na si Maris Racal.

Ayon sa pahayag ng Dazzle Me PH, naging mahirap ang kanilang desisyon, ngunit idiniin nila na maganda ang naging karanasan sa pakikipagtulungan kay Maris Racal.

Gayunpaman, napagdesisyunan nilang magbago ng direksyon upang mapanatili ang prinsipyo ng kanilang brand.

Ginamit din ng Dazzle Me ang pagkakataong ito upang isulong ang kabutihan at pag-unawa sa online space.

Samantala, patuloy na pinag-uusapan ngayon ang paglabas ni Jamela Villanueva ng conversation nina Maris Racal at Anthony Jennings.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DAZZLE ME Philippines (@dazzleme_ph)

Most Popular

Recent Comments