Friday, April 25, 2025
HomeShowbizIdedemanda nagsabing ‘jutz’ siya - Baron Geisler

Idedemanda nagsabing ‘jutz’ siya – Baron Geisler

Nagbabala ang Kapamilya actor na si Baron Geisler na magsasampa ng kaso laban sa isang netizen na tumawag sa kanya ng “jutz.”

Sa kanyang X account, muling ibinahagi ng aktor ang komento ng nasabing netizen na… “Pnu nkabuntis s Baron, eh Jutz yan.”

Ito ay reaksyon ng netizen sa isang video na ibinahagi ng tagahanga ni Baron, na kuha mula sa panayam ni Ogie Diaz sa anak ng aktor kay Nadia Montenegro na si Sophia.

“I will sue you,” saad ni Baron.

Sinuportahan siya ng kanyang followers:

“Kala nila hindi sila mahahanap. sampolan mo Baron!”

“We support u Baron! These BOBOnic bashers need to get a taste of their own med!”

“Sampolan mo n mga matatapang lng sa social Media yan!”

ANO MASASABI MO SA POST NA ITO? COMMENT BELOW: 

Most Popular

Recent Comments