Ang kawalan ng rekord ni Mary Grace Piattos sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lalong nagbigay-diin sa pangangailangang magpaliwanag si Vice President Sara Duterte tungkol sa paggamit ng kanyang confidential funds.
“The PSA has confirmed what we’ve been saying all along – walang Mary Grace Piattos. This is a serious matter involving hundreds of millions in public funds. Who really received these confidential funds? Where did the money really go?” sabi ni Rep. France Castro.
“Ito ang dahilan kung bakit kailangang magpaliwanag si VP Sara sa Kongreso. Hindi puwedeng patuloy na umiiwas sa imbestigasyon habang may mga ganitong matitinding alegasyon ng pandaraya at maling paggamit ng pondo ng bayan,” dagdag pa ng solon.
Si Mary Grace Piattos, na isa sa mga lumagda sa acknowledgment receipts bilang patunay ng pagtanggap ng confidential funds, ay wala umanong rekord sa database ng PSA.
Ayon kay Castro, ang ganitong sitwasyon ay higit pang nagpapatibay sa pangangailangang imbestigahan ang paggamit ng confidential funds.