Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na patuloy ang laban kontra korapsyon sa kanyang talumpati noong Martes sa 5th State Conference on the United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) Implementation Review.
Binigyang-diin ni Marcos na kailangan din ng mga mambabatas na magtaguyod ng integridad at pananagutan sa pamamagitan ng paggamit ng comprehensive at interconnected strategies.
Ayon sa pangulo, ginagamit ng pamahalaan ang isang two-pronged approach na binubuo ng digitalisasyon at aktibong pakikilahok ng mamamayan upang matugunan ang mga responsibilidad ng state conference.
Idinagdag niya na ang pagsasagawa ng streamlining at digitalization ay makakatulong na bawasan ang korapsyon, gawing mas transparent ang proseso ng gobyerno, at mas madali itong maakses ng publiko.