Ipinaalala ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang importansya ng bawat boto ng Pilipino dahil ito ang magtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
“Ang bawat boto ay may kapangyarihang humubog sa kinabukasan, atin itong pananagutan at paninindigan bilang mamamayang Pilipino,” sabi ni Romualdez.
“Piliin natin ang katahimikan, kaayusan, at paggalang sa proseso. Sa bawat pagboto, ipinapakita natin ang ating malasakit sa bayan at ang ating hangaring mapanatiling matatag ang demokrasya,” dagdag pa nito.
Nanawagan din ang pinuno ng Kamara para sa isang maayos at tahimik na halalan at pinaalalahanan ang mga Pilipino na pag-isipang mabuti kung sino ang karapat-dapat nilang ihalal sa posisyon.
“Your ballot is a declaration of conscience, a quiet but resolute affirmation of your role in building our nation,” sabi ni Romualdez.
“Let us vote not with indifference or haste but with reflection, integrity, and care. This day reminds us that democracy lives not in institutions alone but in the choices of ordinary citizens acting with extraordinary purpose,” dagdag pa ni Romualdez.