Saturday, December 21, 2024
HomeNewsAKBAYAN CONG KAY VP SARA: BAGSAK KA NA NGA SA PAMUMUNO, ANG...

AKBAYAN CONG KAY VP SARA: BAGSAK KA NA NGA SA PAMUMUNO, ANG BABA PA NG EQ MO

Kinondena ni Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pahayag nito na hindi siya magpapatawad.

“Bagsak ka na nga sa pamumuno, ang baba pa ng EQ mo. Ikaw dapat ang humihingi ng tawad, VP Sara,” sabi ni Cendaña.

Binanggit din ng mambabatas na hindi sila humihingi ng tawad kay Duterte, kundi ang layunin nila ay mapanagot siya sa kanyang mga kilos.

“Hindi kami humihingi ng pagpapatawad mo. Ang kailangan namin ay panagutan mo ang pandarambong sa kaban ng bayan, pag-abuso sa kapangyarihan at pagtataksil sa mamamayan,” sabi nito.

“The impeachment complaint is about restoring dignity, transparency, and accountability in public office. The people are not asking for the vice president’s forgiveness, we are demanding her removal from office,” dagdag pa ni Cendaña.

Sa isang panayam, sinabi ni Duterte, “Ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad, pagmamahal, at pagbibigay—forgiving, giving, and loving. Lagi kong sinasabi na depende ito sa tao. Pero bilang bise presidente, kailangang ipahayag ko na ito ang mensahe at diwa ng Pasko. Subalit, kung ako lang, hindi ako magpapatawad.”

Most Popular

Recent Comments