VP Sara puwedeng isalang sa ‘question hour’ sa Senado - Chiz Escudero


Posibleng direktang humarap si Vice President Sara Duterte sa pagtatanong ng mga senador kaugnay ng panukalang budget para sa Office of the Vice President (OVP).


VP Sara puwedeng isalang sa ‘question hour’ sa Senado - Chiz Escudero
Compile images from google

Karaniwan, ang tagapangulo ng komite ang sumasagot sa plenary debate tungkol sa budget ng ahensyang kanyang isinusulong.


Gayunpaman, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na dati’y tinatawag itong "question hour" kapag ang mismong pinuno ng ahensya ang sasalang. Ngayon, posible nang suspendihin ang mga alituntunin upang maisagawa ito sa plenaryo.


Ayon kay Escudero, maaaring mangyari ito kay VP Sara kung hihilingin ng mga senador kay Sen. Grace Poe, ang chairperson ng Committee on Finance, na dedepensa sa OVP budget.


Ang OVP ay humihiling ng P2.03 bilyon na budget, ngunit P700 milyon lamang ang inaprubahan ng Kamara matapos tumanggi si VP Sara na idepensa ang budget ng kanyang tanggapan.


No comments:

ads
Powered by Blogger.