Reward system sa drug war hindi napag-usapan sa Senado - Fernandez

Reward system sa drug war hindi napag-usapan sa Senado - Fernandez
Photo Credit: compile images from google


Hindi kuntento si Rep. Dan Fernandez sa ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano'y reward system na naganap sa drug war ng nakaraang administrasyon.


“Ang isang bagay lamang na wala tayong nakuha doon sa Senado ay yung pagbabayad nung pera doon sa mga pumatay na pulis… yun basically ang nawawala,” ayon kay Fernandez sa programang ‘Kwatro Kantos’ sa Bilyonaryo News Channel.


Ipinahayag ni Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya sa paraan ng Senado sa pagsisiyasat kaugnay ng umano'y reward system sa anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon.


Nilinaw niya na ang kanyang puna ay nakatuon lamang sa aspetong ito, habang kontento naman siya sa kabuuang takbo ng imbestigasyon ng Senado. 


Ang kanyang mga pahayag ay kasunod ng pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan natalakay ang mga isyung may kaugnayan sa paglabag sa karapatang pantao na nauugnay sa drug war.


No comments:

ads
Powered by Blogger.