Nag-alay ng bulaklak si PBBM sa mga puntod nina Ninoy, Cory, at Noynoy Aquino.

 

Compile images from google/Nag-alay ng bulaklak si PBBM sa mga puntod nina Ninoy, Cory, at Noynoy Aquino.
     

Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga puntod nina dating Senador Ninoy Aquino, dating Pangulong Cory Aquino, at dating Pangulong Noynoy Aquino bilang paggunita sa Undas noong Biyernes, Nobyembre 1.


Ayon sa video na inilabas ng Radyo Pilipinas, makikita ang mga puntod ng yumaong pamilya Aquino sa Manila Memorial Park. Noong Biyernes ng umaga, nagpunta si PBBM, kasama ang kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos, sa Libingan ng mga Bayani upang bisitahin ang puntod ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Matatandaang may hindi magandang kasaysayan ang mga Marcos at Aquino sa bansa.


Naging senador si Ninoy sa ikapitong Kongreso at isa siyang hayagang kritiko ng panunungkulan ni Marcos Sr. Siya ay pinaslang noong Agosto 21, 1983, sa Manila International Airport (na ngayon ay tinatawag na Ninoy Aquino International Airport), at hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang salarin sa kanyang pagkamatay.


Samantala, ang pagpaslang kay Ninoy ang naging sanhi ng makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986, na nagpatalsik kay Marcos Sr. sa Malacañang.

No comments:

ads
Powered by Blogger.