Lacson: Sapat na pondo para sa edukasyon at kalusugan kung muli siyang mahalal sa Senado.
Photo Credit: google |
Titiyakin ni dating Senador Ping Lacson ang sapat na pondo para sa edukasyon at kalusugan kung muli siyang mahalal sa Senado.
Ayon kay Lacson, magagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy at pag-alis ng mga hindi kapaki-pakinabang at kwestyonableng gastusin, at pagre-realign ng pondo patungo sa mga programang pang-edukasyon at pangkalusugan.
Isinusulong niya ang programang “Edukasyon Plus,” na naglalayong magbigay ng libreng matrikula, PHP 5,000 buwanang allowance, at internship sa gobyerno para sa mga senior high school students.
Binanggit ni Lacson na may pag-aaral na nagpapakita na 31% lamang ng mga kabataang Pilipino na edad 15 ang may hangaring umangat sa buhay, samantalang 69% ay wala pang ganitong ambisyon.
Bukod sa edukasyon, iginiit din ni Lacson na maaaring ilaan ang mga hindi kailangang pondo para sa Universal Health Care (UHC) Act, na magbibigay sa lahat ng Pilipino ng saklaw sa National Health Insurance Program.
No comments:
Post a Comment