Isa sa mga pinakamatandang simbahan sa Itbayat, Batanes, ay nasira dahil sa bagyong ‘Leon’.

Photo courtesy: Holden Cultura via Cagayan PIO/FB

Isa sa mga pinakamatandang simbahan sa Itbayat, Batanes, ay nasira dahil sa bagyong ‘Leon’.

Ang Santa Maria de Mayan Church, isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, ay nasira dulot ng malakas na hampas ng bagyong Leon. 

Sa isang Facebook post noong Huwebes, Oktubre 31, ibinahagi ng Cagayan Provincial Information Office (PIO) ang ilang larawan ng simbahan na nagpapakita ng pagguho ng ilang bahagi ng bubong nito.

“Hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyong Leon ang Santa Maria de Mayan Church, isa sa pinakalumang simbahan sa bayan ng Itbayat Batanes,” anang Cagayan PIO sa nasabing post.

Ang Santa Maria de Mayan Church, na itinayo noong 1853 at itinuturing na isa sa pinakamatandang simbahan sa Itbayat, Batanes, ay unang napinsala noong 2019 dulot ng magkasunod na magnitude 5.4 at magnitude 5.9 na lindol, na sinundan pa ng mga aftershocks.

Kasalukuyang nakataas sa Signal No. 3 ang buong lalawigan ng Batanes dahil sa bagyong Leon, na humina mula super typhoon patungong typhoon category. 

Ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng bagyo ay huling namataan 155 kilometro sa hilaga ng Itbayat.

No comments:

ads
Powered by Blogger.