Duterte sinadyang gumamit ng mga pahayag na nagdudulot ng kalituhan - Lacson
Compile images from google |
Matatandaang hindi napigilan ni Duterte ang magmura sa Senate hearing tungkol sa kanyang kampanya laban sa droga at sinabi pang hindi na niya matandaan ang pangalang hinihingi ni Senadora Risa Hontiveros dahil siya ay 73 taong gulang na.
“Sa tingin ko parang sinasadya niya rin ‘yung mga ganoong pananalita pati nga ‘yung edad niya ‘di ba, parang sinasadya niya na, ‘I’m 73 years old.’ Of course, alam naman natin hindi siya 73 years old. So, parang sinasadya niyang medyo mayroong confusion,” wika ni Lacson sa “Bardagulan sa Radyo” ng DWAR Abante Radyo.
Iginiit pa niya na kapag ang isang resource person ay nasa ilalim ng panunumpa, ang lahat ng sasabihin nito sa Senado ay hindi maaaring ituring na biro lamang.
“Kapag under oath ka lahat ng sasabihin mo du’n hindi mo puwedeng sabihing nagbibiro ka lamang. Kasi seryosohan ‘yung pagdinig, seryosohan ‘yung usapan at kung ano ang sagot mo du’n, iyon ang naka-record,” sabi pa ni Lacson.
No comments:
Post a Comment