Ayon kay Chiz Escudero, puwedeng sertipikahan ng Senado ang testimonya ni Duterte sa drug war probe.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, walang nakikitang dahilan para hindi sertipikahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang transcript ng kanilang pagdinig kaugnay sa kampanya kontra-droga, kung saan nagkaroon ng maraming pag-amin mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Photo Credit: Compile images from google |
“Kung may manghihingi, ICC [International Criminal Court] man o kung sinuman o kung kayo man na i-certify ‘yung transcript. Wala akong nakikitang dahilan para hindi ‘yan i-certify ng Blue Ribbon Committee basta ‘yung dahilan o rason ay justifiable o may kapaki-pakinabang. Hindi ‘yung kung sino-sino lang na wala naman talagang silbi o paggagamitan,” saad ni Escudero sa panayam sa DZBB.
Dagdag pa ni Escudero, hindi rin aalisin mula sa record ng Blue Ribbon Committee ang mga pagmumura at iba pang hindi kaaya-ayang pananalita na ginamit ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Pinaliwanag ni Senator Koko ‘yan. As part of the narration. Pangalawa, pinuna man hindi ipina-strike sa record. So kung istriktong susundan natin ang rules ng Senado ay hangga’t hindi ‘yan ipinapa-strike at nanalo ‘yung mosyon na ‘yon, mananatili ‘yan doon. Hindi para sa amin na mamili kung ano ‘yung nandoon, sang-ayon man kami o hindi. Mabaho man pakinggan o hindi. Masakit man sa tenga o hindi,” paliwanag niya.
No comments:
Post a Comment