Ibinunyag ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na hindi siya nanalo sa kasong libelo na isinampa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan laban sa kanya.


Photo Credit: Compile images from google


Sa kanyang online program na “Cristy Ferminute,” ang tinaguriang ‘Pambansang Marites,’ sinabi na nakatanggap na siya ng sulat mula sa korte noong Oktubre 17 at nagpiyansa.


Siya ay guilty sa lahat ng limang bilang at kinakailangang magbayad ng P240,000 sa kabuuan.


“Talo po ako sa five counts ng libel at ang sabi nga natin, inflation is real. Kasi hindi alam po mga bilihin ang tumataas ngayon. Ilang taon na po ang nakakaraan ng matalo ako sa piskalya ay nag-bail lang po ako ng P10,000 para sa isang kaso ng libel. Ngayon po, P48,000 na po per count ang piyansa,” ani Fermin.


Gayunpaman, sinabi ni Cristy na plano niyang iapela ang desisyon.


Matatandaan na noong Mayo 10, 2024, tinangka nina Sharon at Kiko na wakasan ang talakayan ni Cristy tungkol sa kanilang pribadong pamilya sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo laban sa kolumnista.


As of writing, wala pang pahayag sina Sharon at Kiko sa desisyon ng korte laban kay Cristy.


No comments:

ads
Powered by Blogger.