Mommy Dionisa pinayohan si Caloy: Mahalin mo ang nanay mo



Mommy ni boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao na si Dionisia Pacquiao may payo kay Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ayon kay Mommy Dionisa, dapat daw unahin nito ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang nanay at mahalin.

“Carlos Yulo, mahalin mo ang nanay mo. Wag ka magkimkim ng masamang loob,” aniya.

“Mahal na mahal ka niya. Yan lang ang payo ko sa iyo bilang nanay,” dagdag niya.

Martes ng gabi ay dumating sa bansa si Carlos at ang iba pang atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Wala umanong kapamilya niya na sumalubong sa kanya at naimbitihan na sumama sa Malacanang.

Ayon sa interview, sinabi ni Yulo na na-miss niya nang husto ang kanyang mga kaibigan at ang pamilya ng girlfriend na si Chloe San Jose sa ilang linggo niya sa France.

Bagamat hati ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa isyu sa pamilya ni Carlos Yulo ay naniniwala silang magiging ok din ang kanilang pamilya


No comments:

ads
Powered by Blogger.