Sunday, December 22, 2024
HomeNewsBAYAN MUNA: ICC MAY BAGONG EVIDENE-GATHERING PLATFORM, DUTERTE TRIAL MALAPIT NA

BAYAN MUNA: ICC MAY BAGONG EVIDENE-GATHERING PLATFORM, DUTERTE TRIAL MALAPIT NA

Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, ang pagsisimula ng International Criminal Court (ICC) ng bagong plataporma para sa pangangalap ng ebidensya kaugnay sa mga extrajudicial killings (EJK) sa ilalim ng Duterte drug war ay indikasyon na papalapit na ang posibilidad ng paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Colmenares, ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay ng hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK).

“Even with the original set of witnesses the evidence is already enough. The previous part of the investigation is gathering documentary evidence and interviewing informants. Now they are asking those who have sent their sworn statements or allowed themselves to be interviewed, if they want to appear in the trial,” sabi ni Colmenares.

“Additionally by announcing the process for witnesses, the ICC is encouraging those from the police ranks and other insiders to testify as witnesses. In any case, whatever the reason, the fact is, they have now entered a new phase in the process of holding Duterte accountable for his crimes against humanity,” dagdag pa nito.

“Napakahalagang hakbang nito para sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay. Sa wakas, may konkreto at mabilis na paraan na para makapagbigay ng ebidensya ang mga testigo nang ligtas at kompidensyal,” sabi ng dating solon.

“Hindi makakapigil ang pagtatanggi nina Duterte sa krimen. The truth will eventually come out. Lalo maraming testigo at ebidensya ang lalabas dahil sa platform na ito,” dagdag pa ni Colmenares.

Hinimok ni Colmenares ang mga testigo at pamilya ng mga biktima ng EJK na samantalahin ang plataporma ng ICC para matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Hinikayat din niya ang administrasyong Marcos na muling suriin ang kanilang posisyon at makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC upang masiguro ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.

source: tnt

Most Popular

Recent Comments